Finally, the Bong Go, the chair of the senate committee on health, addressed the complains of the overseas Filipino workers on the increased PhilHealth premium contributions.
“Naiintindihan ko ang mga kasalukuyang hinaing ng ating mga OFWs hinggil sa mas mataas na bayarin nila sa kanilang PhilHealth contribution,” his statement published on Mocha Uson Facebook page.
He clarified that the increase of the contribution is in line with the Universal Health Care Law that was passed already in the 17th Congress.
“Layunin nang batas na ito ang mas lalong mapabuti at mapalawak ang mga benepisyo at iba pang programang pangkalusugan para sa kapakanan ng lahat ng Pilipino–kasama na diyan ang OFWs abroad at ang kanilang mga pamilya o dependents na nandito sa Pilipinas,” he added.
He further added that PhilHealth has already mentioned last year the better benefits of the OFWs and their dependents compared to the premium payers.
Go appealed PhilHealth to understand the current situation now due to Covid-19 that paralizes the economy.
Read the full appeal below:
Una, mapag-aralan dapat ng PhilHealth kung maaaring i-delay muna ang pagbabayad sa premium contributions o kung maaari ay i-delay ang pagtaas sa bayaring ito. Suriin dapat ang lahat ng pwedeng magawa upang hindi ito maging pabigat lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng karamihan ng ating mga OFWs.
Karamihan po ng mga OFWs natin, umaasa pa ng dagdag na tulong mula sa gobyerno bukod sa ipinamahagi na ng DOLE na 10,000php one-time financial assistance sa mga nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kanilang kabuhayan sa ibang bansa. Hindi naman po tama na sa panahong umaasa sila sa dagdag na tulong mula sa gobyerno, kaya pa natin sila sisingilin ng dagdag na kontribusyon.
Ang hinihingi ko lamang ay mabigyan natin ng kinakailangang ‘palugit’ ang mga OFWs sa kabila ng pinapasan nilang hirap ngayon. Lahat ng palugit na pwede natin maibigay sa panahon ng krisis, ibigay na po natin. Sabi nga nila, “in times of crisis, every single peso saved counts”.
Balansehin lang natin ito para hindi rin naman mailagay sa alanganin ang kabuuang pondong pangkalusugan na makakatulong sa mas maraming Pilipino lalo na ngayon na nasa health crisis pa tayo.
Pangalawa, umaapela rin ako sa PhilHealth na i-amyenda ang kanilang Circular kung saan kasali pa ang “Overseas Filipinos in Distress” sa dapat magbayad ng kontribusyon. Kung pu-pwede ay huwag na isama yung repatriated OFWs at yung mga lubos na apektado ng krisis sa sisingilin pa ng gobyerno sa panahong sila ang nangangailangan ng tulong mula sa atin.
Pangatlo, umaapela din ako sa PhilHealth na mas lalong pagbutihin pa ang inyong pagbibigay ng mga sapat na impormasyon upang mas maintindihan ng lahat ng mga Pilipino kung saan napupunta ang mga kontribusyon nila.
Ipaliwanag natin ng maayos ang lahat ng mga benepisyo ng pagiging miyembro ng PhilHealth. I-kumpara ang kabuuang halaga ng binabayaran na premiums sa kabuuang halaga ng lahat ng benepisyong nakukuha nila at ng kanilang pamilya. At i-identify kung ano ang mga idinagdag na mga benepisyo dahil sa pagtaas ng bayarin sa PhilHealth.
Sa bawat pisong lumalabas sa bulsa ng ating mga kababayan, dapat alam nila kung anu-anong mga benepisyo ang naibibigay naman sa kanila ng gobyerno.
Bilang Chair ng Senate Committee on Health, layunin nating mas lalong mapagbuti ang lahat ng mga programa at serbisyong medikal. Pero sa panahon ng krisis, ang kapakanan ng lahat ng mga Pilipino, lalo na yung mga lubos na nangangailangan ng tulong, ang aking pangunahing prayoridad.
Kailangan nating mas lalong magtulungan at magbayanihan para mapagaan ang pinapasan ng kapwa nating Pilipino at malampasan ang krisis na ito bilang isang nagkakaisang bansa.