Xian Gaza pinakyaw mga panindang dilis at empanada ng isang kabayan sa Dubai

Ang tinaguriang pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza ay umani ng papuri matapos tulungan ang isang kabayan sa Dubai at pakyawin ang mga paninda nitong dilis at empanada. 

Sa kanyang post sa kanyang verified Facebook account, ang negosyante at may-ari ng pinakabago at pinagkakaguluhang Marites UAE restaurant ay kinwento ang kanyang engkwentro sa kabayan. 

Ani ni Xian, inalok sya diumano ng isang kabayan, na kanyang hindi pinangalanan at tinakpan ang mata sa picture, ng mga paninda para makauwi na ito. 

“Late na kasi at hindi ko pa rin nauubos hanggang ngayon. Dilis at Empanada,” ani Xian na sinabi ng lalaki. 

Ayon sa kanya, natulala sya sandali at naalala ang mga panahong naglalak sya ng mineral water sa Vietnam. 

Inalok syang bumili kahit isa sa mga hindi pa nya nauubos na paninda. Ngunit nag-offer ang negosyante na bilhin na ang pitong paninda na nagkakahalaga ng AED10 kada isa. 

“Okay no problem. Kunin ko na lahat para makauwi ka na at makapagpahinga. Selfie tayo para makita ng mga OFW families sa Pinas na hindi niyo basta-basta pinupulot ang pera sa abroad,” dagdag ni Xian. 

Ang tindero, ayon kay Xian, ay napaluha na lamang habang nagpapasalamat sa kanya. 

Ang kanyang post ay umani na nang mahigit 42,000 reactions at 772 shares. 

“REMINDER: Kung tutulong kayo tapos ipo-post niyo sa social media, make sure to hide their identities para hindi sila ma-humiliate publicly just to feed your ego,” paalala ng pambansang Marites ng Pilipinas. 

Ryan Namia
Ryan Namia
Ryan Namia spends most of his days reading over drafts of new written content and determining which ones make the final cut for online and print publication. He received his Bachelor's degree in Journalism in 2015 and has been writing since 2016. Got a story to tell? Email him at eic@theglobalfilipinomagazine.com. Or follow his IG @rtnamia.

Related Articles

[td_block_social_counter facebook="tagdiv" twitter="tagdivofficial" youtube="tagdiv" style="style8 td-social-boxed td-social-font-icons" tdc_css="eyJhbGwiOnsibWFyZ2luLWJvdHRvbSI6IjM4IiwiZGlzcGxheSI6IiJ9LCJwb3J0cmFpdCI6eyJtYXJnaW4tYm90dG9tIjoiMzAiLCJkaXNwbGF5IjoiIn0sInBvcnRyYWl0X21heF93aWR0aCI6MTAxOCwicG9ydHJhaXRfbWluX3dpZHRoIjo3Njh9" custom_title="Stay Connected" block_template_id="td_block_template_8" f_header_font_family="712" f_header_font_transform="uppercase" f_header_font_weight="500" f_header_font_size="17" border_color="#dd3333"]
- Advertisement -spot_img

Latest Articles