News 63 hawakan ng kutsara na-rekober sa loob ng tiyan...

63 hawakan ng kutsara na-rekober sa loob ng tiyan ng isang pasyente

-

Na-recover ng mga doctor sa India ang 63 hawakan ng mga kustara sa tiyan ng isang lalaki na pinaghihinalaan na na-adik sa paglunok ng mga kubyertos.

Ang pasyenteng Indiano ay isinugod sa isang ospital sa bansa nitong linggo lamang matapos mag reklamo ng matinding pananakit ng tiyan. Siya ay sumailalim sa emergency surgery para matanggal ang mga metal na bagay sa kaniyang tiyan.

Ang 32-anyos na lalaki ay hindi nakakain o nakainom at nagreklamo ng mahinang pakiramdam sa oras ng admission sa ospital, na nag-udyok sa mga doktor na kumuha ng CT scan upang matukoy ang sanhi.

Ayon sa isang doktor sa Evan hospital sa siyudad ng Muzaffarnagar, pinaghihinalaan nila ang pasyente na may tumor. Ngunit sa pagsusuri, natagpuan nila ang kumpol na mga foreign objects sa tiyan nito.

Agad silang nagsagawa ng laparatomy, isang uri ng surgical incision sa abdominal cavity, para matanggal ang mga metal na kutsara isa isa sa loob ng higit dalawang oras.

After further inspection, we realised the foreign objects were steel spoons. We were shocked to see so many spoons in his stomach,” sambit ni Dr Rakesh Khurana, ang surgeon na nagsagawa ng operasyon, sa isang ulat ng The National.

“There were 63 of them. Never in my career of nearly 35 years have I seen such a case … it is one of the rare medical cases,” dagdag pa niya.

Ayon sa doctor, pinuputol diumano ng lalaki ang ulo ng mga kutsara at nilulunok ang mga katawan nito.

Patuloy namang nagpapagaling sa intensive care unit ang pasyente para tuluyang maka-recover.

Naniniwala si Dr. Khurana na ang pasyente ay may kondisyong tinatawag na pica, isang psychological condition na nagiging sanhi ng isang tao na manabik nang labis at mapilit na kumain ng mga bagay na hindi pagkain tulad ng uling, metal, luad, o dumi.

Sinabi ng pasyente na nagsimula siyang kainin ang mga bagay na metal mga anim na buwan na ang nakakaraan.

“No person in their right state of mind would do that. It must be very difficult and painful to swallow the spoons. It is abnormal behaviour,” ani ng doktor.

Latest news

Dubai Corporation for Ambulance Services celebrates 51st UAE National Day

Dubai: Dubai Corporation for Ambulance Services (DCAS) joined the nation in celebrating the 51st UAE National Day...

International Fashion Week Dubai concludes 14th season

Star studded International Fashion Week Dubai Season 14 was full of celebrities, top infleuncers and celebrity designers...

10,000 sq. ft. Dubai villa sold for AED130 million or P2 billion

Alpago Properties, the real estate famous for developing high-end residential, commercial and hospitality projects, has just announced the most...

49 drug kingpins arrested in UAE with the help of 5 other countries

Lieutenant General His Highness Sheikh Saif bin Zayed Al Nahyan, Deputy Prime Minister and Minister of Interior,...
- Advertisement -

Alira to perform at biggest Barrio Fiesta in Dubai

Emirati pop star Alira will be performing at Barrio Fiesta Dubai in December, organisers have confirmed.

UAE announces public holiday for 2023

Plan your holidays for next year! As early as now, the UAE Cabinet has announced the national...

Must read

You might also likeRELATED
Recommended to you